Patay-gutom

Salamat sa putak ng nag-aastang
land lady sa baba ng bintana,
Bangungot ay napatid, nagising ang diwa.
Pero tila bangungot din na magising na
walang gasul, walang bigas, ni itlog ay wala.

Pambihira si kumare.
Hose ng gasul nga pala’y nginatngat kamakailan,
kaya ilang lutuan lamang ang
itinagal ng gasul.
Naobligang palitan
ang hose.
Dagdag kaltas sa kakarampot
na kinsenas na di
mapag-
dugtung-
dugtong.

Ngayong sahod ay ubos na,
pambili ng gasul ay hindi mahagilap.
Walang kapitbahay na pwedeng utangan.
Walang tago sa bangko na pwedeng i-withdraw.
Ni walang ipit sa pitaka na pandagdag sana.

Binuksan ang papunding ilaw, baka sakaling
ang isip ay luminaw.
Mamatay ba ako ng dilat
Habang ang ilaw ay paindap-indap?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s