Winner si Joi Barrios

Bulaklak sa Tubig

Si Joi Barrios habang nagbabasa ng ilang tula mula sa "Bulaklak sa Tubig: Mga Tula ng Pag-ibig at Himagsik." Si Bienvenido Lumbera ang nasa kanan

Nitong Sabado, mistulang saling-pusa ako sa ginanap na book launch ng “Bulaklak sa Tubig: Mga Tula ng Pag-ibig at Himagsik” ni Mam Joi Barrios, kilalang progresibo at makata, sa Solidaridad Bookshop (na pagmamay-ari ng isa pang manunulat na si F. Sionil Jose). Inakala ko na bukas sa lahat ang book launch. Pag-akyat ko sa ikatlong palapag ng bookstore, tumimo sa akin na mga piling makata at progresibo lang pala ang target na dumalo. Nakita ko sina Bienvenido Lumbera, F. Sionil Jose at si Neil Garcia (na minsan ko nang binato ng kritisismo sa isang klase sa Unibersidad sa Pilipinas).

Saktong pagpirmi ko sa isang sulok ng makipot na kwarto, sinimulang basahin ni Mam Joi ang tula niyang “Syento Beinte Singko” na tungkol sa pakikibaka ng mga manggagawa para sa signipikanteng dagdag-sahod.

Gasino na ang syento beinte singko?
Apat na kilo ng bigas,
ilang saing sa hapag ng mahirap.
Anim na pirasong galunggong,
Simutin mula ulo hanggang buntot,
at nang makatawid gutom.
Kahit noodles ay laman na rin ng sikmura
at sa limang pisong pakete mula sa pabrika.
busog ka sa asin at betsin, paalam na sa sustansiya.

Gasino na ang syento beinte singko.
sa kapitalista’t may kuwarta
isang tasa ng kape sa Starbucks,
isang hiwa ng kesong maalat,
isang espesyal na ensaymada
na ihahain na pang-meryenda.

Syento beinte singko lang ang dagdag na suweldong
hinihingi ng manggagawa.
Syento beinte singkong walang dantay
sa mga guhit ng timbangang sumusukat
sa agwat ng kapitalista’t manggagawang naghihirap.

Pagkatapos, binasa naman ni Mam Joi ang isang tula tungkol sa Botox, popular na lason na itinuturok sa mga mukhang nagnanais mabanat.  Sa tula, inilarawan ang pagpapaturok ng isang dalaga para mapansin ng kanyang iniibig. Humirit ang mga makatang dumalo na basahin pa ang ibang tula hinggil sa pag-ibig.

Pero piniling sarhan ni Mam Joi ang maikling programa sa pamamagitan ng tula hinggil sa himagsik. Binigkas niya ang tula hinggil sa Oplan Bantay Laya, kontra-insurhensiyang programa ng gobyerno, at ang nagpapatuloy na laban ng sambayanan.

Mamayang hapon, ilulunsad ang bagong koleksyon ng mga tula sa Recto Hall, Faculty Center sa UP Diliman, 4-6 n.h. Ito na yung bukas sa publiko na book launch, hindi iyong dinaluhan ko nung Sabado.

***

Matapos ang tulaan at merienda, ipinakilala ako ni Ka Bong, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno, kay Mam Joi bilang manunulat para sa kilusang paggawa. Ang tanging reaksyon ni Mam Joi: Winner!

***

5 thoughts on “Winner si Joi Barrios

  1. Nice one Carlos😀 Binasa ko ito kasi namiss ko ang muling makarinig ng mga tula. Sana nagpost ka rin ng ilang linya ng textong binasa. Salamat at good luck😀

    roselyn

    • Ayan, idinagdag ko po ang tulang “Syento beinte singko” (mula sa Bulatlat.com) sayang nga po at hindi ako nakakuha ng kopya ng bagong koleksyon (may kamahalan ata, hehe). Maraming salamat po sa pagkomento dito🙂

  2. Pingback: Tweets that mention Winner si Joi Barrios « Chronicles of Carlos -- Topsy.com

  3. salamat dito, pero puwede mo bang idelete iyong “just overhead” — kasi ito ay hindi naman “pampublikong komento…” at medyo pabiro lang ang pagkakasabi. siguro, sa susunod puwede akong magbigay ng mas malalim at pinag-isipang pahayag at pagsusuri sa kilusang mag-aaral sa aming unibersidad… muli, salamat sa iyong pagtangkilik.

    • binura ko na po yung nakaw kong kwento, hehe. i-anticipate po namin ang mas malalim na paglalarawan sa kilusang mag-aaral sa inyong unibersidad. salamat din po mam joi sa pagbisita sa blog ko🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s